Friday, June 17, 2011

Photo



Project 365 - Day 23: June 13, 2011

Before going to work, we went to my HS to pick up my brother. I miss! :|

Uso sa paaralan namin noong high school ang mga prutas na nagkakahalaga lang ng dalawang piso. Sulit ang dalawang piso mo dahil di lang prutas ang makukuha mo. May libre ka pang unlimited-asin-na-may-tinadtad-na-siling-labuyo. 

Sa hirap ng panahon ngayon, kailangang sikipan pa ang napaka sikip na sinturon. Yung tipong kahit 32 ang bewang mo ay kailangan mong gawing 26 para lang magkasya ang kung anumang meron.

Kaya naman mabentang mabenta ang mga dalawang pisong prutas noong high school pa kami. Biruin mo, sa anim na piso ay busog ka na. Di tulad ng ulam at kanin na tinitinda noon sa canteen namin na nagkakahalaga ng bente pesos pero di naman nakakabusog at wala pang lasa. Parang pinakuluang knorr cubes lang at napaglipasang kanin.

Halos lahat tuloy ng nagtitipid sa klase namin ay makikita mong ngumangasab ng mangga na sagad na hanggang buto. Yung iba naman nginunguya ang santol kasama ang buto pagkatapos ay ibabato sa kaklase. Yung dalandan na naman (sintones ang tawag samin) ay ginagawang sumpit ang balat. Kukuha ng lumang ballpen at ilalagay ang balat para gawing bala. Nabusog ka na, nag enjoy ka pa.

Mga larawang mula sa google.



The 300 year old image of the Lady of Penafrancia | Patroness of Bicolandia | Archdiocese of Caceres | Naga City



Pretty empowering.



ED WESTWICK for Penshoppe



Phone Dome: iPhone 4 Waterproof Skin



Day 15: A picture of something you want to do before you die.

go to the Philippines, haven’t been there yet XP



Bugoy Drilon - Paano Na ang Puso Ko (Official Music Video)

His own composition featuring Liezel Garcia… (real life story??? Hehehe!) :-) 



this isnt mine, but I like the message.