Monday, June 20, 2011

Araw ng Kalayaan.

HAPPY INDEPENDENCE DAY my dear PHILIPPINES. :]



June 12 is a special day in my country, the Philippines. On this day, one hundred and thirteen storied years ago, Asia’s 1st republic was born: my people’s, the Filipino nation’s home. Without fail, we will remember this day, with fervor, through the next hundred and thirteen years, and more.

via boiworx



Happy Indepence Day Philippines!

This is a wood artwork I made at school. Thought of posting a picture of it to commemorate the 113th Independence Day of my beloved country.



 Happy Independence Day, Philippines! Here is my attempt at being patriotic: a rizal monument paperweight.:D



HAPPY INDEPENDENCE DAY!!! 113 YEARS!! MABUHAY!!! =)



Happy Philippine Independence Day!

HAPPY INDEPENDENCE DAY!

(Me in the EDSA Shrine for the 25th EDSA Day Celebration last February 25, cool shot by Roma Lois Cruz)



SANTOL - one of my favorite fruits that is native to my country and other surrounding countries like Thailand, Burma, Malaysia, Indonesia and others. This is so good when dipped to salt or soy sauce, if it’s sweet the better. For those who doesn’t know how to eat this kind of fruit, you only suck the juices out of its seed (the white part) and be careful not to swallow it since some types of santol can be very big like the Bangkok kind. :]



These brass plates at Cafe Uno, Vigan City remind me of Mother Mindanao…the gongs and kulintangs played by Muslim virtuosas at MSU-IIT every Charter Day. While I’m way up north, my mind was wandering down south. Very nostalgic.

  • Malaya nga ba talaga ang bansang nagpapasindak sa gobyerno ng ibang bansa dahil sa isang tumpok ng mga isla na klaro namang kanila pero di nila maidepensa?
  • Malaya nga ba ang bansang alipin ng colonial mentality? Yung bansang patuloy na nagpapagapos sa mga higante ng ekonomiya? Yung mga bansang tila anino ng presidente ng pinakamalakas na bansa, sunud-sunuran kahit ginagawa na tayong tanga.
  • Malaya nga ba ang bansang yakap-yakap ang westernization, ang bansang tinitingala ang pilipit ang dila, hinahangaan ang may Chanel na sapatos, yung nakakapagshopping sa Zara, at yung nakapunta na sa Hollywood? Malaya ka nga ba kung alipin ka ng mentalidad na para sumikat ka dapat maging kamukha mo si Paris Hilton at makamayan mo si Manny Pacquiao dahil pinag-aagawan sya ng lahat ng international stars?
  • Malaya ba ang bansa na nakagapos ang kamay sa tuwing may bibitayin na kababayan sa ibang bansa, pero kapag may dayuhan na lalabag sa batas nito, ang tanging nasasabi lang ay “Dis is haw wi do it in da Pilipins. Wi let yu go iben ip yu opend as. Pis awt tu yu eynd yur kawntri.”  Malaya ba ang bansang walang kamay na bakal pagdating sa mga dayuhan?
  • Malaya ba ang bansang hindi nagkakaisa sa batas na ipapasa, sa lunas na dapat isinasagawa, sa solusyon na dapat isinasakatuparan? Masasabi mo bang malaya ang bansa na nasasabi nga ang saloobin pero hindi naman nararating ang dapat marating?

Di ako expert sa history o sa pamahalaan pero di ko kailangan maging expert para makita ko na halos walang pagkakaiba ang panahon noon at ngayon, yung nabasa ko nung 3rd at 4th year high school sa Noli Me Tangere at El Filibusterismo at yung sitwasyon ngayon. Malaya tayo dahil Pilipino ang namumuno, dahil hindi gobernador-heneral ng ibang bansa ang nakaupo sa pwesto, pero hanggang doon na lang ang kalayaan natin. Tanong ni Juan Dela Cruz, “Kung malaya tayo bakit mahirap pa rin tayo?” Kasi nga nagpapaalipin pa rin tayo.

Ang totoo pinalaya ka na. Pero di mo napapansin. Kasi gusto mo kung nasaan ka. We are a complacent nation. Sanay na. Pwede na. Sakto na.

Namatay na si Rizal noon para sa kalayaan mo. Actually si Hesus pa nga namatay para sa kalayaan ng mundo. Anong excuse mo para umupo-upo jan at magpaalipin sa ibang tao?

GISING.

PARA NEXT YEAR PAGDATING NG JUNE 12, MAY SAYSAY NA YANG KALAYAANG SINISIGAW MO SA LUNETA.